Thursday, January 6, 2011

How many understand the word FRIEND?

Unang linngo ng taong 2011 pero dami ng pagsubok na dumarating.Syempre di mawawala ang thesis.Draft dito, draft doon.Research dito, research doon.Hay,buhay.Pangalawa,ang "barkada".Di ko alam kung anu nang nagyayari.Pero siguro ang lahat ng mga kaganapan ngayon ay bunga ng nangyari noon.

Sabi nila, ang kaibigan, di ka iiwan,magpakailanman.Pero ba't ngayon parang wala nang ganung kaibigan?Madalang na lang.Oo,nagkamali ako.Nahulog sa isang bangin na lubhang mapanganib.Pero ngayon, isang liwanag ang aking naaninag, kaya ito'y aking sinundan para makalabas sa bangin.Pag a dungaw ko sa dulo ng bangin, isang tribo pala ang naghihintay sa akin upang ihatid ako sa isa na namang panganib,at yan ang aking sinasamahang "barkada" ngayon.

Barkadang ubod ng saya 'pag kami'y nagsama-sama.Tawanan,asaran,kantahan at kainan.Yan ang bisyo ng aming barkdahan.Ngunit isang bagyo ang nanira at sumubok sa katauhan ng bawat isa sa amin.Isang pagkakataon upang malaman kung ano ang tunay naming kulay at kung sino talaga kami.

At ngayon, nang umalis ang unos,biglang nakitaan na ng pagkakaiba ang mga nasalanta.Nahalata na ang tunay na asal.Ang iba'y di nakayanan kaya nanghina.Ang iba'y naguluhan.Ang isa ay nais magbagong-bihis ngunit ang apat ay gustong magmatulis

Kaya ngayon,heto,ako'y natuto sa nangyari.'Di pala lahat ng tao kayang magpakatotoo.Sa una mabait,ngunit pag di ka na nya kailangan,wala ka na.Sana kumatok ang konsensya nila at sabihing; "mali na yang ginagawa nyo...".

Sa mga makakabasa nito, isa lamang ang aking tanong:Do you really understand the word,FRIEND?

Saturday, January 1, 2011

Cheers to 2011!

Happy new year to all! Another year has come. A new chapter in our life will unfold. What we don't know is what really awaits for us in the near future.But more importantly, we have one whole year to live & enjoy life. That's it, no more worries, just be happy & think positive.

Sunday, June 13, 2010

Huling Hirit sa Tag-init

After 1 year,I'm back to blog!Na-miss ko rin magpost dito sa blogspot.Funny how it seems na kung kelan tapos na ang summer vacation,tsaka naman ako magsisimulang magblog..:D

Anyway,to start the school year right,nagshine na ako ng mga sapatos ko para mukha pa ring bago.Take note:yung shoes ko tumatagal ng 2-3 years,ayaw ko kasing taun-taon bumibili ng bago.Yung bag na gagamitin ko,pinunasan ko na rin.Syempre color red ang bag ko since it's my favorite color,hehe.Notebooks?..hmmm...wala pa ata.Di bale,bibili na lang ako malapit sa school.Ballpens,check..uniform,kasya pa naman so check.

3rd year na ako!2 years na lang,tapos na rin ako.Business Economics,marinig mo lang ang salitang "economics", parang katakut-takot na research ang gagawin ko.Pero,kaya yan!Basta may sipag at tiyaga,lahat ay makakaya.

According to some newspapers,pinataasan na raw yung kalsada from Morayta to Lacson street.Yung mga drainage,inayos na raw,narrated by DPWH.They're expecting na matatapos nila yung road & drainage improvement by August but good thing they're able to finish it ahead of time.At least,di maaabala tayong mga taga-UST,even those who are regularly passing through Espana,Manila.

Pasukan na!Maging matagumpay sana ang bawat estudyante sa pagsisimula ng school year.God Speed!