Thursday, January 6, 2011

How many understand the word FRIEND?

Unang linngo ng taong 2011 pero dami ng pagsubok na dumarating.Syempre di mawawala ang thesis.Draft dito, draft doon.Research dito, research doon.Hay,buhay.Pangalawa,ang "barkada".Di ko alam kung anu nang nagyayari.Pero siguro ang lahat ng mga kaganapan ngayon ay bunga ng nangyari noon.

Sabi nila, ang kaibigan, di ka iiwan,magpakailanman.Pero ba't ngayon parang wala nang ganung kaibigan?Madalang na lang.Oo,nagkamali ako.Nahulog sa isang bangin na lubhang mapanganib.Pero ngayon, isang liwanag ang aking naaninag, kaya ito'y aking sinundan para makalabas sa bangin.Pag a dungaw ko sa dulo ng bangin, isang tribo pala ang naghihintay sa akin upang ihatid ako sa isa na namang panganib,at yan ang aking sinasamahang "barkada" ngayon.

Barkadang ubod ng saya 'pag kami'y nagsama-sama.Tawanan,asaran,kantahan at kainan.Yan ang bisyo ng aming barkdahan.Ngunit isang bagyo ang nanira at sumubok sa katauhan ng bawat isa sa amin.Isang pagkakataon upang malaman kung ano ang tunay naming kulay at kung sino talaga kami.

At ngayon, nang umalis ang unos,biglang nakitaan na ng pagkakaiba ang mga nasalanta.Nahalata na ang tunay na asal.Ang iba'y di nakayanan kaya nanghina.Ang iba'y naguluhan.Ang isa ay nais magbagong-bihis ngunit ang apat ay gustong magmatulis

Kaya ngayon,heto,ako'y natuto sa nangyari.'Di pala lahat ng tao kayang magpakatotoo.Sa una mabait,ngunit pag di ka na nya kailangan,wala ka na.Sana kumatok ang konsensya nila at sabihing; "mali na yang ginagawa nyo...".

Sa mga makakabasa nito, isa lamang ang aking tanong:Do you really understand the word,FRIEND?

No comments:

Post a Comment